Aabot sa P40M halaga ng umano’y hindi rehistradong chinese products ang nasamsam ng mga otoridad sa isang bodega sa Bustos, Bulacan.
Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ang ilang klase ng kape, lotion, karne, at food supplements.
Sinabi ng national bureau of investigation o nbi na hindi rin pumasa sa hygiene standard ang bodega na nilalagyan ng mga produkto dahil sa maruming meat-processing area nito.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ng hakbang ang Food and Drug Administration (FDA) upang maberipika kung peke ang mga nasabat na produkto.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang may-ari ng bodega.