Dalawang pantalan na lamang sa Pilipinas ang hindi pa operational, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Agaton.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, ito ay ang mga pantalan ng escalante at sagay sa Western Visayas na hindi pa rin bumabalik sa operasyon kaninang alas-8 ng umaga.
Maliban sa dalawa, balik-operasyon na ang ilang pantalan sa eastern visayas kabilang ang mga nasa Samar, Leyte, Northeastern Mindanao, Surigao, Central Visayas at Cebu.
Nasa 334 indbidwal at 158 cargoes naman ang stranded pa rin sa mga pantalan dahil sa bagyo. – sa panulat ni Abby Malanday