KUNG pagbabasehan ang resulta ng mga isinagawang mga Kalye Survey sa iba’t- ibang panig ng bansa, si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer at frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, ay nakatakdang gumawa ng kasaysayan bilang isang kandidato na makakakuha ng pinakamaraming boto sa pagkapangulo sa darating na halalan.
Batay sa survey na isinagawa mula Abril 1 hanggang 10 na may 3,000 na respondents, nangunguna pa din si Marcos na may halos di maabot na 62 percent preference shares.
Habang nananatili sa malayong pangalawa si Leni Robredo na nakakuha lang ng 18.4 percent.
Si Isko Domagoso, Panfilo Lacson, at Manny Pacquiao ay statistically tied naman sa pangatlo hanggang panglimang pwesto matapos makakuha ng 6.5 percent, five percent, at 4.6 percent.
Ayon sa SPLAT Communications na siyang katuwang ng consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) upang gumawa ng summary ng mga Kalye Survey, inihayag ulit nito na tapos na ang laban ngayong may 27 araw na lang bago ang halalan kung titignan ang 43.6 percent na lamang ni Marcos.
“That is far more than an avalanche and a tsunami combined. Imagine leading by nearly 24 million votes with 28 days left before the elections. We are reiterating this – game over, game over, game over. The UniTeam of BBM and Inday Sara Duterte will be elected with majority preference shares. Their winning margins will go down in history as the most dominant victory in the history of Philippine national elections,” sabi ng SPLAT.
Base sa parehas na datos, nagbabala ang SPLAT na magiging mas mahirap para kay Robredo ang mga natitirang araw dahil oras na ang kalaban ng kanyang mga kampon upang makakuha pa ng mas maraming boto para sa kanya.
“Now it gets much worse for the second-ranked candidate in the remaining 28 days before the elections. Her campaigns need to convert approximately 855,494 voters per day – yes 855,494,” sabi nito.
Dagdag ng SPLAT na base sa datos, nanatili sa malayong pangalawa si Robredo kahit sa mga regional cluster kasama na ang kanya balwarte.
Sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon), MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan), at Bicol ay nakakuha si Marcos ng 46.8 percent preference shares habang 21.6 percent lang si Robredo.
Sinabi ng SPLAT na kahit mapunta pa sa kanya ang boto ng 12 percent na undecided sa nasabing lugar, 13.2 percent lamang ang mababawas nito sa mga boto ni Marcos.