Matapos ang dalawang rounds ng rollback kasabay ng mahabang Holy Week break, muli na namang magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa source mula sa oil industry, tinatayang aabot sa 1.70 sentimo hanggang piso at 80 sentimo ang itataas sa kada litro ng diesel.
Habang 40 sentimo hanggang 50 sentimo naman ang madadagdag sa kada litro ng gasolina.
Inaasahang magiging epektibo ang labis na pagtaas ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa araw ng Martes, April 18, 2022.