Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagsirit muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa mismong araw ng eleksyon.
Ayon sa DOH, may posibilidad pumalo sa halos 35,000 ang maitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa darating na Mayo a-9.
Paliwanag ng ahensya, bumaba kasi ng halos 20% ang pagsunod ng publiko sa ipinapatupad na health protocols.
Sa ngayon kasi aniya, 7% na lamang ang compliance rate sa minimum health and safety protocols sa buong bansa habang -12% naman sa National Capital Region (NCR). — sa panulat ni Abie Aliño