Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuti pa ang kalagayan ng bansa sa mga susunod na araw.
Sa kaniyang Easter Sunday message, kinilala ni Duterte ang paghihirap ng bansa na malagpasan ang mga taon kabilang na rito ang kasalukuyang COVID-19 pandemic.
Aniya, sa gitna ng mga hamon na hinarap sa nakalipas na ilang taon, ang mga Pilipino ay nananatiling malakas at matatag dahil sa pananampalataya at pangako na kaligtasan tulad ng ipinahayag ni Hesukristo.
Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na manatiling positibo habang patuloy na nagsusumikap para sa mas maunlad na kinabukasan.