Pumanaw na sa edad na 90 ang beteranang aktres na si Gloria Sevilla na tinagurian bilang “Queen of Visayan Movies.”
Si Sevilla ay binawian ng buhay habang natutulog sa kaniyang bahay sa Oakland, California.
Kabilang sa mga pinagbidahan ng beteranang aktres ay ang: “Pagbabalik” bilang entry sa pista ng pelikulang Pilipino; “Badlis sa Kinabuhi” kung saan nanalo siya bilang best actress sa FAMAS Award o Filipino Academy of Movie Arts and Sciences noong 1969; kasama din ang aktres sa award-winning films na “Mother’s Maiden Love” noong 2014-2015; “Maestra” taong 2018; at lifetime achievement award sa Gawad Urian Awards noong 2019.
Si Sevilla ay may anim na anak sa asawang si Mat Ranillo Jr., ang King of Visayan Movies na binawian din ng buhay noong 1969 dahil naman sa plane crash. —sa panulat ni Angelica Doctolero