Dinagsa ng mga deboto ang Quiapo Church kahapon para sa pasko ng pagkabuhay o Easter Sunday.
Sa dami ng mga nagsipunta, ang iba sa mga deboto ay hindi na nakapasok sa loob mismo ng simbahan at nanood na lamang sa LED screen sa gilid ng nasabing lugar.
Nanguna sa Homily sina Rev. Fr. Franklin Villanueva, Rev. Fr. Earl Valdez at Rev. Msgr. Hernando Coronel kung saan, naging sentro dito ang kahalagahan ng pamumuhay sa diwa ng pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa.
Samantala, nagpaalala naman ang pamunuan ng simbahan na maaring dumalo ng virtual mass sa kanilang official Facebook page upang maiwasang makipagsiksikan lalo na’t hindi parin natatapos ang COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Angelica Doctolero