Hindi na palalawigin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline ng paghahain ng taunang Income Tax Returns (ITR) na itinakda ngayong araw.
Batay sa abiso ng BIR, hindi na i-eextend ang April 18, 2022 na deadline.
Gayunman, papayagan pa rin ang mga taxpayers na baguhin ang kanilang Income Tax Returns hanggang May 16, 2022 nang walang penalties.
Bilang konsiderasyon ang gawain sa naganap na holiday at hybrid working arrangements.
Nitong April 15 ang orihinal na deadline ng paghahain ng returns, pero natapat ito ng Good Friday kaya nagpasya ang BIR na i-usog ito ngayong araw.