Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatayo ng tahanan, para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Agaton.
Ayon kay Pangulong Duterte, bagama’t gahol dahil malapit nang bumaba ng pwesto, kakayanin namang makapaglatag ng preparasyon.
Naniniwala naman ang pangulo na itutuloy ng susunod na pangulo ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Nitong Biyernes Santo at Sabado de Gloria, unang binisita ng pangulo ang mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Baybay City sa Leyte at Pontevedra sa Capiz.