Inaprubahan na ng Committee on the Ban on Firearms and Safety Concerns ng Commission on Elections o Comelec, ang mahigit dalawang libong aplikasyon para hindi mapabilang sa gun ban.
Batay sa datos ng inilabas ni Comelec commissioner Socorro Inting, kabuuan itong 2,160 aplikasyon hanggang nitong Abril 13.
Gayunman, 906 aplikasyon ang na-deny ng panel at 1,315 ang pending para sa evaluation.
Epektibo ang election gun ban mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.