Wala pang nade-detect na Omicron XE sa Pilipinas.
Ayon ito kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire bagama’t mahigpit pa rin ang monitoring nila sa Omicron XE o recombinant ng dalawang sub lineages ng mas nakakahawang Omicron variant.
Sa ngayon aniya ay tatlo o apat na bansa pa lamang ang naka-detect ng Omicron XE.
Una nang ibinabala ng mga expert ang nakakaalarmang Omicron XE kumpara sa iba pang subvariant ng Omicron dahil sa mabilis na pagkahawa rito, subalit hindi naman malala o nakakaapekto sa pagiging epektibo ng mga bakuna kontra COVID 19.