Inihayag ni interior secretary Eduardo Año na wala nang lugar sa bansa na nakapailalim sa granular lockdown mula Abril 10 hanggang 16.
Sa nasabing mga petsa, sinabi ng kalihim na aabot sa 28,622 violations ang naitala dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.
Gayunman, mas mababa pa rin ito ng 15.69% kumpara sa nakalipas na linggo.
Naitala naman ang 3,002 violations dahil sa paglabag sa physical distancing, na mas mababa ng 47.12% na mas mababa sa naitalang bilang noong nakaraang linggo.
Samantala, tumaas ang bilang ng mga lumabag sa mass gatherings lalo na nitong lenten season.
Tiniyak naman ni Año na mahigpit nilang ipatutupad ang minimum public health standards sa panahon ng COVID-19 pandemic.