Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na pumalo na sa P1.4B halaga ang pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa DA, aabot sa 17,384 na ektarya ng lupain sa Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga ang pinadapa ng bagyo.
Apektado naman ang nasa 23, 188 na magsasaka at mangingisda matapos masayang ang 35, 258 metric tons ng ibat-ibang produkto kabilang na dito ang palayan, maisan at high value crops.
Sa ngayon, ipinabatid ng da na nagpapatuloy ang kanilang assessment sa pinsalang idinulot ng Bagyong Agaton sa agri-fisheries sector.
Tiniyak din ng ahensya ang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng naturang bagyo.