Hindi pabor si dating Ambassador at OFW Family Club Partylist Representative Roy Señeres na ma-disqualify sa 2016 presidential elections si Senador Grace Poe.
Binigyang diin ni Señeres na dapat maresolba ang mga duda pabor sa isang foundling na tulad ng senadora.
Kasabay nito, ipinahiwatig ni Señeres ang posibleng pag-atras sa presidential elections para suportahan si Poe.
Sinabi ni Señeres na makikipag-usap siya kay Poe kung tatanggapin nito ang kanilang plataporma na pangunahin ang pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa.
Ipinaabot ni Señeres ang paghanga kay Poe na aniya’y walang bahid o walang korupsyon.
By Judith Larino