Nasa 20% ng mga botante ang nananatiling undecided kung sino ang ibobotong pangulo para sa 2022 Elections.
Ito ang inihayag ni OCTA Research President Ranjit Rye dahil hindi pa umano napa-finalized ang kanilang iboboto sa Mayo 9.
Sa April survey ng OCTA Research kaugnay sa presidential preference, napanatili ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang top choice sa 57% mula sa 1,200 na respondents, sinundan naman ni Vice President Leni Robredo na mayroong 22% at pumapangatlo naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Sa vice presidential bets naman, nangunguna parin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na mayroong 57% at pumangalawa naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto, III.
Sa kabila nito, nagpaalala ni Rye sa mga botante na huwag ibase ang kanilang boto sa resulta ng mga survey.