Nagbigay ng tips o paalala sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maiwasan ang heat stroke ngayong tag-init.
Ayon sa mga eksperto, kapag ang heat index ay umabot sa 27° celsius hanggang 32°c ay maaaring makaranas ng fatigue at heat cramp ang isang tao habang ang heat index naman na nasa 32°c hanggang 41°c ay maari namang maging sanhi ng heat stroke.
Ayon sa MMDA, mainam na magsuot ng mga light colored o yung hindi matingkad na kulay ng damit kung lalabas ng bahay dahil mas mataas ang tiyansa nitong makaabsorb ng init mula sa araw.
Palagi ding gumamit ng payong bilang panangga sa matinding sikat ng araw; uminom ng maraming tubig; at iwasang magbilad sa init ng araw upang maiwasan ang heat stroke.
Sakali namang makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, mabilis na pagtibok ng puso, at hirap sa paghinga, mainam na humingi agad ng tulong sa kinauukulan para agad na mabigyan ng atensyong medikal. —sa panulat ni Angelica Doctolero