Nilinaw ng Phililippine National Police (PNP), na isolated case lamang ang naganap na shooting incident sa pagbisita ni presidential candidate Leody De Guzman sa Bukidnon.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang naturang insidente ay maitatawag na “premature” kung i-ta-tag ito bilang election related o may kinalaman sa halalan dahil patuloy pang nangangalap ng motibo at ebidensya ang kanilang ahensya.
Matatandaang pinag-uusapan nina Labor Leader De Guzman at ng mga senatorial bet na sina Roy Cabonegro at David D’Angelo ang mga isyu kaugnay sa pangangamkam ng lupain sa mga lider ng Manobo-Pulangiyon nang maganap ang pamamaril kung saan, 4 na miyembro ng grupo ng mga katutubo at isang volunteer advocate ang sugatan.
Sa ngayon, wala pang indikasyon at inaalam pa ng PNP kung may kuneksiyon sa eleksiyon ang naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero