Patay ang isang guro at isang human resource manager habang sugatan ang isang negosyante sa magkahiwalay na pamamaril sa lungsod ng Lipa, Batangas noong Martes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Richard Bon, 36 anyos, guro at Lorena Roaring, 36 anyos, human resource manager.
Sugatan naman ang negosyanteng si George Sagarbarria, 59 anyos.
Ayon sa mga otoridad, sakay ng motorsiklo si Bon nang barilin ng dalawang suspek nang malapitan sa ulo na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.
Dead-on-the-spot naman ang sakay nakaparadang kotse na si Lorena Roaring at sugatan si George Sagarbarria nang biglang sumulpot ang isang gunman pinagbabaril ang mga biktima.
Sa ngayon ay patuloy paring tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek sa magkahiwalay na insidente.