Iginiit ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na hindi na sapat ang existing minimum wage ng mga manggagawa sa Region 3.
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, ito ay dahil sa bumababang purchasing power ng piso sa lugar kung saan, sa 420 pesos na sahod ng mga manggagawa ay 368 pesos na lamang ang kakayahang bumili ng mga ito.
Maliban dito, patuloy rin aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation sa lugar at nananatiling matindi ang pangangailangan ng mga manggagawa dahil sa epekto ng umiiral na pandemya.
Sinabi pa ni Tanjusay na taong 2019 pa nagkaroon ng taas-sahod sa naturang rehiyon.