Patuloy pa ring makakaranas ng maaliwalas na panahon ang bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila na may mga pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon o sa gabi bunsod parin ng isolated localized thunder storms.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, mataas ang tiyansa ng panaka-nakang mga pag-ulan dahil sa pag-iral ng mainit at mamasa-masang hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean.
Asahan parin ang maaliwalas na panahon na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms sa Visayas at Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 33 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:38 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:11 ng hapon. – sa panulat ni Angelica Doctolero