Pumalo na sa mahigit limang milyon ang kabuuang bilang ng mga Ukrainian refugees o mga lumikas dahil sa pananakop ng Russia.
Sa pahayag ng United Nations, mahigit kalahati umano sa naturang bilang ay mga bata.
Ayon sa Ukraine government, magpapadala sila ng 90 bus para ilikas ang karagdagang anim na libong sibilyan mula sa Mariupol dahil sa “preliminary agreement” ng Russia.