Dismayado ang grupong Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa pagbasura ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hirit na tax exemption sa allowance at honoraria ng mga gurong magsisilbi sa halalan.
Aminado si TDC National Chairperson Benjo Basas na nakasasama ng loob ang tila pagiging pro-active at hindi pagsuporta ng Department of Education (DepEd) na dapat ay unang naka-aalam at dumaramay sa mga guro.
Partikular na tinukoy ni Basas ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na bagaman batid ang sitwasyon ng mga guro, ang DOF at BIR ang pinakamainam na sumagot sa issue.
Sa Senate Committees on Ways and Means at Electoral Reforms and People’s Participation Joint Hearing, tinalakay ang nasabing issue pero nanindigan ang DOF at BIR na mananatili ang buwis sa honoraria at allowances ng mga guro.