Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakakatanggap ng booster shot kontra COVID-19 ang kalahati ng mga health care workers.
Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, halos 95% na ang nabakunahan sa mga health care workers ngunit 49.07% pa lamang ang nakatanggap ng booster doses.
Sinabi naman ni Infectious Disease Expert, Dr. Anna Ong-Lim na ang pagiging panatag sa bumababang bilang ng kaso ng COVID-19 ang isang dahilan kung bakit kakaunti lamang ang kumukuha ng booster shot.
Nabatid na mula Abril 14 hanggang 20, 1,657 bagong kaso lamang ang naitala habang may bilang na 236 naman ang average na bilang ng bagong kaso araw-araw. – sa panulat ni Mara Valle