Nagpasalamat si North Korean Leader Kim Jong Un kay Outgoing South Korean President Moon Jae-In para sa pagsisikap nitong mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.
Matatandaan na unang nagpadala ng sulat si Moon kung saan nangangako ito ng patuloy na magsisikap para mailatag ang pundasyon ng unification base sa kanilang joint declarations na nabuo sa kanilang isinagawang summit noong 2018.
Nakasaad sa kasulatan na kapwa nangako ang dalawang lider mananatili na ang kanilang ugnayan habang kapwa nagsisikap nang may pag-asang makakabuo ng mas maganda pang samahan at kooperasyon.
Pinupuri din ni Kim ang pagsisikap ni Moon para sa kapakanan ng kanyang bansa hanggang sa mga huling araw ng kanyang termino. – sa panulat ni Mara Valle