Nagtakda ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pagdinig sa Mayo 10 para sa ilang provincial bus operator na magpaliwanag hinggil sa hindi pag-operate ng kanilang mga bus sa labas ng window hours.
Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, anim na bus companies ang nakitang hindi nag-deploy ng kanilang bus sa nasabing oras sa Pampanga.
Kabilang dito ang Victory Liner, Bataan transit, five star bus company, first North Luzon transit, Maria De Leon at Genesis na sinilbihan din ng show cause order.
Nabatid na maraming pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang terminal nitong nakaraang linggo habang ipinatupad ng mga operator ang 10 p.m. Hanggang 5 a.m. window hours para sa pag-alis at pagdating ng mga provincial bus na walang QR code at special permit sa mga pribadong terminal sa Metro Manila.