Inaasahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paglagpas sa pre-pandemic levels, ng bilang ng mga pasaherong sasakay sa mga eroplano.
Kasabay ito ng mas marami pang lugar sa Pilipinas na ibinaba ang resriksyon, dahil sa pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, batay sa datos bago ang pandemya, kadalasang nasa 5% hanggang 8% lamang ang itinataas ng bilang.
Pero posibleng lumagpas pa ito sa inaasahan at tataas pa kumpara sa naitala noong 2019.
Sa huling tala, nasa 42 nang paliparan ang pina-pangasiwaan ng CAAP.
Nagdagdag naman ng maraming personnel ang CAAP para tugunan ang magiging buhos ng mga pasahero.