Kinumpirma na ng aktor na si Jake Cuenca ang paghihiwalay nila ng aktres na si Kylie Verzosa.
Sa Instagram post nito kahapon, ibinahagi ni Jake ang emotional message nito kay Kylie na girlfriend niya ng tatlong taon.
Parehas aniya nila itong desisyon at hindi galit ang dahilan.
Bagama’t mabigat sa pakiramdam, umaasa ang aktor na mababalikan nila ni Kylie ang kanilang pinagsamahan nang walang pait, galit, pagsisisi at pawang magandang alaala lamang.
Inihayag naman ni Jake na proud pa rin siya sa dalaga at umaasa sa tagumpay nito sa buhay.
Noong September 2019 unang kinumpirma ni Jake at Kylie ang kanilang relasyon.