Walang naitalang pagyanig sa paligid ng bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa 900 metro ang inilabas na usok ng bulkan na kumalat sa bunganga nito.
Nitong Biyernes, nasa 6, 391 tonelada ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan.
Nakataas pa rin ang Alert level 2 sa bulkan kaya posible ang pagsabog, lindol, pagbuga ng usok at gas.
Sa ngayon, patuloy ang babala sa Phivolcs sa mga LGUs sa paligid ng bulkan na paigtingin ang pag-iingat lalo na yung mga nasa high-risk.