Inapela ng Karapatan Southern Tagalog sa Commission on Human Rights at sa mga human rights advocate na imbestigahan at aksyunan ang anila’y iligal at labis na panggigipit ng mga militar sa kanilang humanitarian team sa isang checkpoint sa barangay Gumian, Infanta, Quezon
Ayon sa grupo bagama’t hindi awtorisado na kumuha ng pribadong impormasyon sa checkpoint, pilit anilang hinihingi ng mga 1st Infantry Batallion ng 2nd Infantry Division ng AFP ang mga valid id at vaccination card ng team at sapilitan umanong pinapalista ang pangalan ng buong team.
Giit ng grupo lumang taktika na anila ng AFP ang paggamit ng mga checkpoint upang tiktikan at intimidahin ang mga human rights workers, na karaniwang lumalaban sa paglabag sa karapatang pantao.
Paliwanag naman ni 1st Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Danny Escandor, sumusunod lamang anila ang militar sa direktiba at kahit anila saang checkpoint hinihingi ang OR/CR ng motor pati id ng nagda-drive para sa beripikasyon.