Tinawag na violation of due process ng Senado at ng Court of Appeals (CA) ng abogadong si Atty. Ferdinand Topacio ang patuloy na pagdetina sa ilang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Sa Twitter account ni Topacio, mariin nitong kinondena ang pananatili ng kaniyang mga kliyente na sina Linconn Ong at Mohit Dargani sa Pasay City Jail kahit na wala pang isinasampang kaso laban sa mga ito.
Pasaring pa ni Topacio, nagdurusa ang kaniyang kliyente sa piitan kahit na walang kaso o ginawang krimen na dahil lang sa ‘pride’ ng isang senador.
Matatandaang na-cite in contempt sina Ong at Dargani sa noo’y gumugulong na imbestigasyon sa senado tungkol sa umano’y overpriced COVID-19 supplies na binili ng gobyerno sa Pharmally.