Umabot na sa 12 million pesos mula sa 1.1 billion pesos na pondo para sa fuel subsidy ang naipamahagi sa mga corn farmer at mangingisda sa buong bansa na apektado ng serye ng oil price hike.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, makakatanggap ng 3,000 pesos na subsidiya ang mga magsasakang rehistrado sa ilalim ng Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBA) at mga mangingisdsa sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Dagdag pa niya na ang naturang alokasyon ay pondo mula sa 2022 budget at Department of Budget and Management (DBM).
Samantala, nasa 300,000 na magsasaka at mangigisda ang mabebenipisyuhan ng nasabing programa.