Pinamamadali na ng liga ng mga Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang labing limang pisong minimum fare sa mga jeep.
Ayon kay LTOP president Orlando Marquez, hindi parin kasi nakatatanggap ng ayuda ang nasa 30% o katumbas ng 20k mga tsuper dahil hindi umano sakanila nakapangalan ang kanilang jeep na ipinapasada.
Dagdag pa ni Marquez, tuloy-tuloy na nagbibigay ng serbisyo ang mga tsuper kaya’t walang dahilan para hindi sila makatanggap ng ayuda.
Sa ngayon, umaasa ang naturang grupo na maaaprubahan ng LTFRB ang kanilang hiling na itaas ang minimum fare sa mga jeep.