Wala pang dapat ikabahala ang publiko sa bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig lalawigan sa nakalipas na linggo.
Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa naman nagreresulta sa mataas na hospital admissions ang panibagong pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga minomonitor ng Department of Health ang ilang lugar sa MIMAROPA, Central Luzon, Davao, CARAGA, Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera at Eastern Visayas Regions.
Ito’y makaraang makapagtala ng one-week positive growth rate ang mga naturang lugar.
Bahagya ring tumaas ang COVID-19 cases sa Pateros, mga lungsod ng Navotas, Las Piñas, Parañaque, Taguig, Muntinlupa at Marikina.
Sa kabila nito, una nang inihayag ng ilang ospital, tulad ng Philippine General Hospital at Makati Medical Center na nananatili sa low level ang kanilang healthcare utilization rate.