Tinatayang 1,600 Filipino sa Shanghai, China ang hindi pa rin nakaboboto para sa 2022 Elections bunsod ng lockdown.
Ayon kay Shanghai Philippine Consul General Josel Ignacio, nananatiling suspendido ang overseas absentee voting sa lungsod dahil sa panibagong COVID-19 surge.
Posibleng sa Mayo o Hunyo o pagtapos ng eleksyon sa Pilipinas pa anya alisin ang lockdown.
Aminado naman si Ignacio na bagaman ang tanging aprubadong paraan ng pagboto sa shanghai ay in-person at mayroon pa ring lockdown, ikinukunsidera nila ang iba pang alternatibo.
Kabilang sa mga alternatiboang manipestasyon ng intensyon na bumoto sa iba pang polling precinct, na nagpapahintulot sa mga Pinoy na rehistrado sa Shanghai na lumipat sa ibang Philippine Diplomatic Post sa China.