Pinamamadali na ng Commission on Elections (COMELEC), ang paglalabas ng resolusyong maghihiwalay sa fuel subsidy program mula sa election spending ban.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, bagama’t exempted na ang programa, ilang bangko ang nangangailangan ng resolusyong pirmado ng mga commissioners bago maglabas ng pera.
Dahil dito, sinabi ni Garcia na agad niyang inatasan ang sekretarya ng COMELEC na i-follow up ang nakabinbing resolusyon.
Pagpasok ng Abril, unang naging exempted ang fuel subsidy program mula sa election spending ban, alinsunod na rin sa petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).