Umaasa ang COMELEC na mailalabas na ngayong linggo ang resulta ng imbestigasyon sa kabiguan ng kanilang partner na Impact Hub o Vote Pilipinas, na magbayad sa Sofitel Hotel.
Ang naturang hotel ang venue ng presidential at vice presidential debates nitong weekend.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, pinangunahan ni Commissioner Rey Bulay ang imbestigasyon at desisyon sa alternatibong gagawin.
Dahil dito, binigyang ni Bulay ng panahon ang Impact Hub at Sofitel upang tumugon at mabatid kung sino ang may pagkukulang.
Naniniwala naman si Garcia na hindi ito dapat palampasin ng COMELEC dahil napahiya sila sa isyu.
Iniatras sa Abril 30 at Mayo 1 ang debateng magananap sana nitong weekend.