Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pamamahagi ng 500 pisong ayuda, para sa mga pinaka-mahirap na pamilyang Pilipino na unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagtitiyak ni COMELEC Commissioner George Garcia, hindi sila magiging balakid sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa ayuda.
Hindi rin aniya sila maghihigpit dahil galing sa pangulo ang kautusan.
Tatlong buwan ang itatagal ng pamamahagi ng 500 pisong ayuda, na kinuha sa sobrang revenue na nakolekta ng Depratment of Finance (DOF).