Inihayag ng Commission on Elections o Comelec na sigurado na ang panalo para sa 845 kandidato na walang kalaban sa lokal na posisyon sa bansa sa paparating na May 9 elections.
Batay sa tala ng komisyon, 39 ang tumatakbong kongresista, siyam sa pagka-gobernador, 11 sa pagkabise gobernador, 45 sa pagka-bokal, 203 sa pagka-mayor, 254 sa pagkabise alkalde at 284 sa pagka-konsehal.
Samantala, mas mababa ito kumpara sa naitalang 861 unopposed candidate noong 2019 midterm elections.