Umabot sa 27,000 dollars o katumbas ng 1.4 million pesos ang bill sa tubig ng isang paaralan sa Japan.
Ito ay matapos iwan ng isang guro na bukas ang pump ng tubig sa swimming pool mula Hunyo hanggang Setyembre.
Sinabi ni Local Education Board Official Akira Kojiri na umabot sa 4,000 tonelada ang nagamit na tubig.
Napansin na rin umano ng ilang staff sa naturang paaralan ang tumutulong tubig kaya pinapatay ang pump ngunit bumabalik umano ang guro at muli itong binubuksan.
Dahil dito, nais ng mga otoridad sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture na bayaran ng guro at dalawang supervisors ang kalahati ng sinisingil sa water bill.
Paliwanag naman ng naturang guro na mas mabuting gumamit ng sariwang tubig sa pool para maiwasan rin ang COVID-19.