Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botanteng naghahanap ng kanilang pangalan sa precint finder.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, maling spelling ng pangalan ang madalas na dahilan, kaya hindi makita ang record.
Kung minsan ay hindi anya naisusulat ang ‘Junior’ kaya hindi makita ang pangalan ng botante.
Pero kung hindi lumalabas ang pangalan, maaari pang makaboto ang botante.
Sa ngayon, sinimulan nang ipamahagi ang Voters Information Sheet.