Dapat ikunsidera ng pamahalaan ang paggamit sa Subic at Clark Airport para sa 2,000 flights na apektado ng APEC Summit.
Ayon kay dating Senador Richard Gordon, kayang-kayang i-accomodate ng dalawang paliparan ang mga kanseladong flights.
Matagal na panahon aniyang ginagamit ng isang cargo company ang Subic Airport at nakakaya naman ang araw-araw na operasyon nito.
Sinabi pa ni Gordon na minsan na ring nagsilbi bilang Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na hindi lamang sa panahon ng APEC dapat ito pag-aralan ng gobyerno dahil lingid naman sa lahat na congested na ang kasalukuyang Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
By Jaymark Dagala