Posibleng suspendihin ng Comelec ang Overseas Absentee Voting sa Ukraine at Afghanistan.
Ito’y matapos ideklara ng Comelec na “failure of election” ang dalawang bansa dahil mahihirapang makaboto ang mga registered overseas voters bunsod ng mandatory repatriation sa nabanggit na mga bansa.
Sa datos ng Comelec, 1, 697, 090 na ang registered Filipino voters sa ibat-ibang bansa, kasama ang 27 sa Afghanistan at 15 sa Ukraine.
Bukod sa nabanggit na dalawang bansa, pansamantala ring sinuspinde ng Comelec ang overseas voting sa Shanghai, China dahil sa pagdeklara ng lockdown bunsod ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Suspindido din ang overseas voting sa mga bansang Algeria, Chad, Tunisia, Libya, at Iraq dahil naman sa security concerns.
Sa ngayon, nasa 1,972 registered voters ang apektado sa suspensyon ng Overseas voting at failure of election sa mga nabanggit na mga bansa.