Aabot sa P500-K halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa dalawang suspek na inaresto sa magkahiwalay na lungsod sa Metro Manila.
Naaresto ang dalawang suspek sa tulong ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Muntinlupa at Taguig City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Annrick Sarsonas, alyas Tonton, 25-anyos, at Wen Wright Conde, 28-anyos na nakuhanan ng 73. 2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P497. 760.
Nakuha din ng mga otoridad ang isang light blue derma set box at marked money na isasailalim sa Chemical Analysis sa SPD Forensic Unit.
Inihahanda narin ng mga otoridad ang pagsasampa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 laban sa mga suspek.