Suportado ng Makabayan Coalition ang sampung kandidato sa pagka-senador para sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo a-9.
Sa pahayag ng Makabayan, kanilang susuportahan ang kandidatura ng iba pang senatorial aspirants bukod pa ito sa coalition standard bearers na sina dating Rep. Neri Colmenares at Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog.
Kabilang sa sampung kandidato sa pagka-senador na susuportahan ng Makabayan ay sina:
- dating Ifugao Rep. Teddy baguilat
- dating Vice President Jejomar Binay
- Leila de Lima
- Free legal assistance group chairperson Chel Diokno
- Sorsogon Gov. Chiz escudero
- Bukluran ng Manggagawang Pilipino President Luke Espiritu
- Senador Risa Hontiveros
- Lawyer Alex Lacson
- Antique Rep. Loren Legarda, at
- Federation of Free Workers President Sonny Matula.
Ito ay dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa mga piling mahahalagang isyu kabilang na dito ang “socio-economic and political reforms to address the roots of the communist insurgency, pushing for the resumption of peace talks, human rights, amending the anti-terrorism law, stopping red-tagging and political repression, at asserting the country’s sovereignty against foreign powers.”
Ayon sa Makabayan Coalition, mahalaga ang pagkakaisa ng bawat mamamayan upang maipanalo ang interes ng Pilipino at umangat ang kabuhayan ng nakararami.
Inihinto narin ang paglabag sa mga karapatang pantao, at muling binuksan ang usapang pangkapayapaan sa bansa.