Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagsisimula ng Local Absentee Voting (LAV) ngayong araw, Abril 27 hanggang sa Biyernes, Abril 29.
Ayon sa ahensya, kailangang panatilihing sikreto o palihim ang pagfill-up sa balota mula sa party-list hanggang pangulo.
Batay sa datos ng COMELEC Committee on Local Absentee Voting, nasa 84,357 ang naaprubahang bumoto kung saan pinakamarami rito ang mga pulis kasunod ng Philippine Army.
Kabilang din sa makaboboto sa ilalim ng LAV ang nasa 957 miyembro ng media.
Sa abiso ni Commissioner George Garcia, ang magbibigay ng balota sa hanay ng AFP at PNP bukod sa iba pang tanggapan ng pamahalaan ay ang pinuno ng bawat tanggapan.