Pinaboran ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hiling ng DFA na i pull-out ang pelikulang “Uncharted” sa lahat ng sinehan sa Pilipinas.
Kasunod ito ng mga eksenang lumabas sa naturang pelikula na naglalaman ng nine dash line maritime claims ng china.
dahil dito, Inatasan nang MTRCB ang Columbia Pictures Industries Inc. na itigil ang pagpapalabas ng pelikula kung saan tumataliwas ang mga nasabing eksena sa national interest.
Agad naman itong tinanggal at pinatigil ang pagpapalabas ng naturang kumpanya sa mga sinehan.