Posibleng umabot sa 5,000 hanggang 10,000 ang bagong kaso kada araw sakaling makapasok sa Pilipinas ang new Omicron variants.
Ito ang sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David kung saan nagdulot ng surge sa South Africa ang BA.4 at BA.5, BA.2.12 sa New Delhi at BA.2.12.1 sa US.
Aniya, dapat na paalalahanan ang publiko na ito ay maaaring mild case lamang para sa mga nabakunahan at hindi sa mga unvaccinated individuals o may mga sakit.
Samantala, maaaring hindi itaas ng gobyerno ang elert level sa bansa kung ang tally ay nasa 5,000 daily average cases.