Mahigit 37,000 pampublikong paaralan ang gagamitin bilang polling precincts sa May 9 Elections.
Ayon kay DepEd Public Affairs Office Director Marcelo Bragado, handa na rin ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) matapos sumailalim sa training.
Sinabi pa nito na magsasagawa rin ang nasabing mga paaralan ng testing at sealing ng vote counting machines (VCMs) mula May 2 hanggang 7, 2022.
Tiniyak naman ni Bragado na mahigpit na ipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 sa pagdaraos ng eleksyon.