Dalawang linggo bago ang araw ng eleksyon, naghahanap pa rin ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng mga boluntaryo para tumulong sa pagmomonitor ng Halalan 2022.
Ayon kay PPCRV Legal Counsel and Spokesperson Atty. Van Dela Cruz, napakahalaga ng mga volunteer dahil sila ang magbabantay sa mga balota at sisiguro na ang democratic process ay nasusunod.
Kasama rin aniya sa training ng mga nasabing indibidwal kung paano lalabanan ang mga maling impormasyon.
Nakikipag-ugnayan naman ang PPCRV sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng preparasyon sa naturang halalan.